Mga residente ng Davao City, na-stranded dulot ng baha, malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 01:09 AM

Marami-raming residente ng Davao City ang naapektuhan ng baha nitong Sabado. Claire Cornelio, ABS-CBN News

Na-stranded sa daan ang ilang mga tao sa Davao City nitong Sabado sa gitna ng bahang dulot ng malakas na buhos ng ulan.

Napasilong din ang ilang bakwit sa gym ng Barangay 23-C, habang naghihintay ng food packs na ibibigay sa kanila.

Matapos ang isang oras na pag-ulan, bumaha sa Ramon Magsaysay Avenue at Sobrecary Street papuntang Bario Obrero. 

Naging halos lampas ng isang talampakan ang lalim ng tubig sa harap ng isang mall sa JP Laurel Avenue.

Marami rin ang naudlot sa pamamasyal, lalo na maraming aktibidad sa lungsod dahil sa Kadayawan festival.

Bukod sa malakas na ulan, naramdaman din ang malakas na hangin.

Ayon sa PAGASA, dala ng thunderstorm ang ulan at malakas na hangin. — Ulat ni Claire Cornelio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.