Lolo patay sa banggaan ng motorsiklo, truck sa Bacolod City

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 12:08 PM

Nasawi noong hapon ng Sabado sa Bacolod City ang isang lolo nang mabangga ng truck ang minamaneho niyang motorsiko.

Nangyari ang aksidente sa makurbadang daan malapit sa bahay ng biktimang si Andres Jakosalem, 57, sa Barangay Estefania.

Pauwi ng bahay si Jakosalem para dalhan ng pagkain ang mga apo nang makasalubong ang isang mini tanker truck.

Nag-overtake sa pick-up ang motorsiklong minamaneho ni Jakosalem bago sumalpok sa truck, ayon sa testigong si Genila Belarmino.

Sumuko naman sa puliysa ang driver ng truck na haharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Sugatan naman ang isang motorcycle rider nang mabangga ng bus sa may Araneta Street, Bacolod City noong gabi ng Sabado.

Isinugod sa ospital ang biktima habang sumuko naman ang bus driver.

-- Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.