Habal-habal driver pinatay sa harap ng misis sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 12:19 AM

Patay ang isang habal-habal driver matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Luz, lungsod ng Guihulngan, Negros Oriental nitong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Edjel Patoc, 49.

Sa imbestigasiyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo si Patoc at ang kaniyang misis, na pinababa ng mga lalaking lulan din ng motorsiklo.

Kasabay ng pagbaba ng misis ang pagbaril sa biktima ng mga hindi pa nakikilalang suspek

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang ilang bala ng kalibre .45 at 9 mm.

Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin. — Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.