6 sugatan sa salpukan ng 2 traysikel sa Surigao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 03:22 PM

Anim ang nasugatan sa salpukan ng dalawang traysikel sa bayan ng Tago, Surigao del Sur noong hapon ng Sabado.

Mabilis ang takbo ng traysikel na minamaneho ni Rodil Macana, sakay ang kaniyang misis at 3 buwang gulang na anak, ayon sa imbestigasyon ng Tago police.

Nawalan umano ng kontrol ang traysikel ni Macana at bumangga sa kasalubong na tri-wheel motorcycle na may kargang 3 pasahero.

Dinala sa ospital ang mga sugatan.

Naka-impound naman sa istasyon ng pulisya ang 2 traysikel.

Nahaharap si Macana sa kasong reckless imprudence resulting in multiple injuries and damage to property.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.