5 sasakyan nagbanggaan sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 02:04 PM

Limang sasakyan ang nagbanggan nitong Linggo sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Dahil sa aksidente, bumigat ang daloy ng trapiko para sa mga motoristang papuntang España Boulevard sa Maynila at Quezon Avenue sa Quezon City.

Sangkot sa aksidente ang isang kotse, sports utility vehicle (SUV), UV Express, pickup truck at bus.

Binabagtas ng SUV at UV Express ang kalsada papuntang Maynila nang magsalpukan, ayon kay Corporal Mark Sayas ng Quezon City Traffic Sector.

Napagilid at napunta umano sa lane papuntang QC ang UV Express, na tumama sa isang kotseng nakabunggo naman sa likod ng bus.

Isang pickup naman umano ang tumama sa UV Express.

Nagtamo ng minor injuries ang isang pasahero ng kotse.

Ayon sa driver ng SUV, kina-cut siya ng UV Express na mabilis ang pagpapatakbo.

Sinabi naman ng UV Express driver na ang SUV ang bumangga sa kaniya at parehas na mabilis ang kanilang pagpapatakbo.

-- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.