3 patay, 20 sugatan sa pagkahulog ng trak sa bangin sa Negros Occidental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2019 12:18 AM

Patay ang 3 mag-anak matapos mahulog ang sinasakyang trak sa isang bangin sa San Carlos City, Negros Occidental, Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jenalyn Capriano, 40; Maricel Lobrido, 40; at Haydee Lobrido, 53.

Naihabol naman sa ospital ang ibang 20 pasahero na nagtamo ng mga sugat sa ilang bahagi ng katawan dulot ng aksidente.

Ayon sa pulisya, nawalan umano ng preno ang truck sa Barangay Codcod kaya nawalan ng kontrol ang driver nito, dahilan ng paglampas ng truck sa gilid ng daan bago ito dumiretso sa bangin.

Naka-detine ngayon ang driver ng nasabing sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.