Takas sa Bacoor Jail patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2018 10:11 AM

MAYNILA - Isa sa mga preso na pumuga sa Bacoor City Jail noong Hulyo ang napatay sa engkuwentro, Sabado ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na preso na si Michael Salac.

Ayon kay Supt. Vicente Cabatingan, hepe ng Bacoor Police, may mga impormasyon ang pulisya na madalas na nagtutungo si Salac sa Mary Homes Subdivision sa Bacoor City para bumisita sa kapatid.

Dito na pinapuwestuhan ng tropa ng pulisya ang lugar. Pero nang aarestuhin na si Salac ay pinaputukan niya umano ang mga pulis kaya nagkaroon ng engkuwentro na nag-resulta sa pagkakasawi nito.

Sa kasalukuyan, may anim pa sa 23 preso na tumakas noong Hulyo 27 ang pinaghahanap ng pulisya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.