Lalaki patay nang sumalpok ang motorsiklo sa puno

Kim Lorenzo II, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 11:00 PM

BANNA, Ilocos Norte - Patay ang 18-taong gulang na si Justine Saclayan matapos maaksidente sa motorsiklo sa Barangay Caribquib sa bayan ng Banna, Ilocos Norte nitong Biyernes.

Nagtamo ng malalang sugat sa ulo at ibang bahagi ng katawang ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima nang mawalan ito ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at bumangga sa isang puno.

"Nanood ng programa sa isang school ang biktima at pauwi na nang bumangga siya sa puno. Medyo mabilis ang takbo niya," ayon kay Senior Insp. Artemio Clemente.

Hindi naka-helmet ang biktima at nasa impluwensiya umano ng alak habang nagmamaneho.

"Allegedly, nakainom siya ng alak," ayon kay Clemente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.