Coastguard nagtaas ng alerto sa mga pantalan kontra bird flu

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 06:05 PM

MANILA - Nagtaas ng alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa Luzon nitong Biyernes, kasunod ng bird flu outbreak sa Pampanga at Nueva Ecija.

Ayon kay Comm. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, bantay sarado na ang mga pantalan, lalo na ang mga pier ng Batangas at Sorsogon, upang walang makalusot na manok at iba pang poultry products mula sa Luzon patungo sa Visayas at Mindanao.

Kukumpiskahin ang mga ito kung susubukan itong ibyahe, lalo na kung walang permit at health certificate.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.