Bangkay ng lalaki, tinambak sa Sorsogon

Erick Baldo, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 12:18 PM

SORSOGON CITY - Isang bangkay ng lalaki na may tama ng bala ang nadiskubre sa isang bakanteng lote sa Barangay Salvacion, Huwebes.

Ayon sa mga awtoridad, hindi pa nakikilala ang lalaki na binaril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Inilagak muna sa isang punerarya sa siyudad ang bangkay habang patuloy na iniimbestigahan ng pulis ang insidente.

Ito na ang pangalawang insidente ng pamamaril sa siyudad ngayong linggo matapos mamatay din sa pamamaril noong Miyerkoles si Oscar Jetomo, kapitan ng Barangay Marinas.

Hindi pa rin nakikilala ang salarin sa pagpatay sa kapitan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.