17 patay sa magdamag na anti-drug ops sa Camanava

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 09:28 AM | Updated as of Aug 18 2017 03:29 PM

Tila hindi pahuhuli ang CAMANAVA area sa mga lugar kung saan ang mga ikinakasang drug operations ng awtoridad ay nagresulta sa maraming suspek na napapatay.

Ayon sa report, umabot na sa 17 katao ang nasawi sa isinagawang magkakahiwalay na drug operations sa CAMANAVA simula pa Huwebes ng gabi.

Jose Arce Malonzo slumps face down in front of his house on R-10 in Navotas after being shot during a police operation on Thursday. More than a hundred persons have been killed in the past three days in the latest upsurge in the crackdown on criminality in the country. Fernando G. Sepe Jr., ABS-CBN News

Sa datos na nakuha ng ABS-CBN News, 11 ang kumpirmadong napatay sa Caloocan, 3 sa Valenzuela, 2 sa Navotas at isa sa Malabon.

Ito ay kasunod na rin ng serye ng operasyon ng awtoridad sa Bulacan at Maynila kung saan umabot sa higit 50 ang naitalang napatay sa loob lamang ng dalawang araw.

A woman cries as she carries her baby after her husband was among those killed during anti-drug operations in Caloocan. Reuters

Samantala, higit 100 naman ang mga naaresto ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA-NCR) at Makati Police sa drug operations sa Laperal Compound sa Guadalupe Viejo.

Huli umano sa aktong gumagamit ng droga ang mga target at kanilang mga kasamahan. 

Ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ng anti-illegal drug operations ang PDEA sa nasabing lugar. Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.