Babaeng nabangga ng truck, nahulihan ng shabu sa maselang bahagi

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2016 08:24 AM | Updated as of Aug 18 2016 10:14 AM

MANILA - Nadiskubre ng mga awtoridad ang drogang nakatago sa maselang parte ng katawan ng isang ginang matapos siyang maaksidente sa Lucena City, Quezon.

Nakaangkas ang suspek na si si Imba Domocao at anak na si Khalid sa motorsiklong minamaneho ng kanyang pamangkin na si John Paul Francisco nang mabangga sila ng isang canter truck nitong Martes.

Agad na mamatay si Khalid habang isinugod naman sa ospital si Domocao at Francisco.

Habang nilalapatan ng lunas, napansin ng isang nurse ang isang malaking plastic bag na nakaumbok sa ari ni Domocao.

Nang matanggal ang plastic, tumambad ang laman nitong pitong shachet ng shabu na nagkakahalaga ng P53,000.

Dahil dito, agad isinailalim ng mga pulis sa hospital arrest ang mga suspek.

Napag-alaman mamang wala sa drug watchlist ng pulisya ang mga suspek na dadalaw sana sa Talipan Provincial Jail, kung saan nakakulong ang asawa ni Domocao.

Itinanggi naman ng ginang na ibibigay sana niya sa asawa ang nakumpiskang shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong possession of illegal drugs. -- Ulat nina Mariz Laxamana at Val Balita, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.