PatrolPH

Binatilyo tiklo sa pagpatay ng school principal sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2022 11:41 PM

Tiklo ang isang binatilyo sa pagpatay umano niya sa isang school principal sa Roxas City, Capiz.

Naaresto ang 17-anyos na suspek sa kanilang bahay sa Brgy. Balat-an, Mambusao, Capiz nitong Martes ng madaling araw.

Sa salaysay na ibinigay ng suspek sa pulisya, sinabi nito na tinangka umano siyang gamitin ng biktima dahilan para manlaban ito at nagawang saksakin ang biktima gamit ang gunting.

Sa autopsy report ay nagtamo ng maraming tama ng saksak sa katawan at leeg ang biktima.

Matatandaan na sinaksak hanggang sa mamatay ang biktima na si Jun Mencedez, 57, habang nag-iinuman ang mga ito sa apartment ng biktima sa Brgy. Mongpong sa Roxas.

Nasaksak at sugatan din ang anak ng biktima matapos na pigilan nito ang suspek.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos nitong gawin ang krimen.

Hinihintay pa ang magiging desisyon ng Roxas City social welfare and development office para sa isasampang kaso laban sa suspek.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.