PatrolPH

Mag-asawang naghahanap ng ginto sa creek, natabunan sa landslide sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2021 09:34 PM

Kasalukuyan pang hinahanap ang mag-asawang natabunan sa biglaang pagguho ng lupa sa isang creek sa Barangay Loacan sa bayan ng Itogon, Benguet nitong Martes ng umaga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naghahanap ng ginto sa creek ang mag-asawang sina Nester Tengcer, 54 anyos at Maureen Talengcer, 57 anyos, nang biglang gumuho ang malaking bahagi ng bundok.

Agad nagsagawa ng retrieval operation ang mga residente at awtoridad pero naging mahirap ito dahil masyadong malawak ang natabunang bahagi. 

Hirap ring maipasok ang equipment para makatulong sa paghuhukay.

Itinigil muna ang operasyon bandang alas-6 ng hapon ngunit itutuloy umano ito bukas.

Hindi pa matiyak ng awtoridad ang dahilan ng pagguho ng bundok.

- ulat ni Mae Cornes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.