PatrolPH

18 miyembro ng 'kulto', 5 pugante na sangkot sa jailbreak, sumuko sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2021 11:52 PM

Sumuko sa militar ang limang pugante at 18 na miyembro ng isang umano ng isang religious cult idinadawit sa isang jailbreak sa Mati City, Davao Oriental noong Sabado ng hapon.

Kabilang sa mga sumuko ang leader ng Pinatikan group na si Cornelio Galon III. Nakumpiska ang kanilang mga patalim.

Ayon sa Philippine Army, nangyari ang pagsuko dahil isa sa mga member ng Calapagan CAFGU detachment ang kamag-anak ng isa sa mga suspek.

Sa CCTV footage, makikita ang pagsalakay ng higit 20 na miyembro ng kulto sa Davao Oriental Provincial Rehabilitation and Reformatory Center.

Makikitang inabangan nila ang pagpasok ng prisoner's van sa jail facility, at nang buksan ang gate, nagtakbuhan sila papasok dala ang kanilang mga patalim.

Ilang minuto ang nakalipas ay napalabas nila ang pitong inmates at nagkapalitan ng putok sa pagitan ng jail guards, kung saan napatay ang isa sa mga sumalakay.

Wala pang detalye kung ano ang magiging kahihinatnan ng mga sumukong pugante at mga suspek.

Dalawa pang inmate na pumuga ang pinaghahanap pa rin. 

— Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.