PatrolPH

Sunog sumiklab sa pabrika sa Valenzuela; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2021 06:31 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Patay ang 1 lalaki sa sumiklab na sunog sa isang pabrika ng plastic sa Valenzuela City madaling araw ng Martes.

Kinukumpirma pa ang pagkakakilanlan ng biktima, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Patuloy ang pag-apula sa sunog na kasalukuyang nasa ika-3 alarma. Nagsimula ito bago mag-alas-5 ng umaga at pinalaki ng solvent at flammable materials, ayon sa mga awtoridad. 

I-refresh ang pahinang ito para sa updates. — Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.