MAYNILA — Nakita sa Pilipinas ang mas nakakahawang strain ng SARS-CoV 2 na nagdadala ng COVID-19.
Kinumpirma ng Philippine Genome Center (PGC) na nakakita sila ng G614 strain at orihinal na D614 genotype sa mga sample na nakuha sa positive cases sa Quezon City.
"In the month of June, both the D614 as well as the G614 have been detected in a small sample of positive cases," ayon sa pahayag ng PGC.
Nilinaw naman ng genome center na dahil nakuha lang ang mga sample sa isang lungsod, hindi nito maaaring katawanin ang mutational landscape sa buong bansa.
"Although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, we note that all the samples tested were from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country," ayon sa bulletin na inilabas noong Agosto 13.
MAS NAKAHAHAWA
Pero sinabi ng mga eksperto na mas nakakahawa ang G614 strain na ito ng coronavirus.
"Together with the observation that G614 is now the dominant viral state, the authors claim that the said mutation can increase the viral rate of transmission."
Sabi sa TeleRadyo ng infectious disease specialist na si Dr. Edsel Salvaña, hindi bababa sa 3 at hanggang 10 beses na mas nakahahawa ang naturang strain.
Pero walang ebidensyang mas nakamamatay ang strain na ito.
"Kailangan pa nating mas lalong paigtingin ang ating mga preventive measures kasi kung dati isa o dalawa ang nahahawa ng isang taong may COVID, ngayon mga 3 to 10 times na 'yung puwede niyang hawahan na ibang tao," ani Salvaña.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, coronavirus, COVID-19, mutation, sars cov, Philippine Genome Center