Pulis patay sa pananambang sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 09:42 PM

MANILA—Isang pulis ang patay matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Anonas, Quezon City Sabado.

Ayon sa isang testigo, papunta sa direksyon ng Aurora Boulevard ang biktima nang bigla itong tambangan ng mga hindi pa nakikilalang suspek lulan ng motorsiklo.

Pauwi na sana ang biktima bago nangyari ang krimen, ani Police Lt. Col. Cipriano Galanida, hepe ng Anonas Police Station.

Ilang metro lang ang layo ng pinangyarihan ng insidente sa Anonas Police Station.

Hindi pa alam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang. 

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek. — Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.