Pawikan nasagip sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 11:23 AM | Updated as of Aug 17 2019 12:02 PM

Isang green sea turtle ang nasagip ng Bantay Dagat ng Silay City, Negros Occidental, Biyernes ng umaga matapos itong ma-trap sa isang baklad sa gitna ng dagat.

Ayon sa coordinator ng Bantay Dagat na si Ryan Geguera, napadpad ang pawikan sa baklad para kumain ng isda.

Nasa 210 kilo ang bigat ng nasabing pawikan.

Tinatayang nasa mahigit 100-taong gulang na ito, ayon sa Bantay Dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.