Mga nagparehistro para sa Barangay at SK polls, higit 200-K na

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 11:18 AM | Updated as of Aug 17 2019 12:05 PM

MAYNILA - Umabot na sa higit 200,000 ang nagparehistro sa nagpapatuloy na voter registration para sa barangay at SK elections sa susunod na taon.

Batay sa Week 2 update ng Commission on Elections (Comelec), 269,087 na ang naitala nilang nagparehistro.

Ang 159,126 sa naturang bilang ay mga first-time registrants.

May 36,649 sa mga nagpa-rehistro ang nasa edad 15 hanggang 17, habang 122,477 naman ay nasa edad 18 pataas.

Ayon sa poll body, sa loob lang ng unang tatlong araw ng voter registration, nakatanggap sila ng 100,399 applications.

Paalala ng Comelec, hanggang Setyembre 30 pa ang voter registration kaya may pagkakataon pa ang iba na magparehistro.

Puwedeng magpatala sa mga tanggapan ng Comelec at satellite registration sites, Lunes hanggang Sabado, kahit holiday, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Higit 2 milyon ang inaasahang new registrants sa barangay elections, habang 2.7 milyon naman ang sa SK elections.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.