4 patay sa anti-drug operation sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 03:06 AM

Apat ang kumpirmadong patay sa ikinasang "One-Time Big Time" anti-illegal drugs operation ng Caloocan Police Huwebes ng gabi.

Alas-otso nang mapatay ng pulisya ang isang alyas "Amay" at dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa BMBA Compound, Barangay 120 sa Caloocan.

Bandang 8:30 naman nang mapatay din si Erick dela Cruz, 39, sa Abato Street, Barangay 13.

Bahagi pa rin ang mga operasyong ito ng kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.