3 arestado sa drug bust sa Makati

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Aug 18 2017 02:46 AM | Updated as of Aug 18 2017 11:55 PM

Arestado ang tatlong indibidwal sa ikinasang operasyon ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Guadalupe Viejo, Makati, nitong Huwebes.

Sa bisa ng tatlong search warrant, sinalakay ng awtoridad ang tatlong bahay na ginagawang drug den at naaresto ang target ng operasyon na sina Arvin Padila, Maria Mapa at alyas "Tonjing" habang pinaghahanap pa ang isang alyas "Renren."

Ayon kay PDEA NCR regional director Wilkins Villanueva, ang mga naturang indibidwal ay miyembro ng Laperal Drug Group na isa umano sa mga nagsusuplay ng droga sa Makati.

Narekober sa tatlong bahay ang hindi pa mabatid na dami ng sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Inimbitahan din ang nasa mahigit 30 indibidwal na kasalukuyang sumasailalim sa verification.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.