LRT-1 nagka-aberya, biyahe nilimitahan

Dennis Datu, DZMM

Posted at Aug 17 2016 01:55 PM

MANILA - Nagka-aberya ang biyahe ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Miyerkules ng tanghali.

Ayon kay LRT-1 operations director Rose Olario, nag-spark ang power catenary o pinagkukuhanan ng kuryente ng LRT-1 kaya inihinto muna ang biyahe ng tren.

Pasado alas-12:30 ng tanghali, ihininto ang biyahe ng LRT-1 mula sa Central hanggang Roosevelt stations at pabalik.

Operational naman ang linya ng tren mula Baclaran patungong Central station at pabalik.

Kinukumpuni pa ng mga tauhan ng LRT ang problema, dakong ala-1 ng hapon.