Buhawi tumama sa Bulacan; 17 pamilya apektado

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2016 12:56 PM

MANILA - Hindi bababa sa 17 pamilya ang naapektuhan ng paghagupit ng buhawi sa San Miguel, Bulacan nitong Martes.

Bandang alas-9:30 ng gabi nanalasa ang buhawi sa Zone 2, 3, 4 sa Barangay Sibul, ayon kay John Mendez ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

"Nasorpresa po ang lahat... Ang mga kabahayan po, karamihan, natangay ang bubong," kwento ni Mendez.

Wala namang nasaktan sa insidente pero tinatayang 17 pamilya o 85 katao ang naapektuhan ng buhawi.

Nag-inspeksyon na sa lugar si San Miguel Mayor Ivy Mendez para maayudahan ang mga residente.

Nitong Linggo, tinamaan din ng buhawi ang Quezon City at Maynila.

Dalawang residente ng Maynila ang nasugatan sa insidenteng nakaapekto sa 100 bahay. Nawalan naman ng kuryente ang 500 bahay sa Quezon City dahil sa pagdaan ng malakas na hangin.

Paano makakaligtas sa pananalasa ng buhawi?