PatrolPH

Scout ranger natagpuang lumulutang sa ilog sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2022 05:46 AM

Wala ng buhay nang matagpuan ang isang Scout Ranger na palutang-lutang sa ilog sa Brgy. Cubay sa bayan ng San Enrique, Iloilo, Lunes ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Sgt. Ronald Bajade, 34, na nakatalaga sa 94th Infantry Battalion sa Negros Occidental.

Sa imbestigasyon ng San Enrique PNP, noong Agosto 12 huling nakatawag sa kaniyang asawa ang sundalo na pauwi galing sa bayan ng Jamindan, Capiz. 

Noong Agosto 14,, ipina-blotter ng misis ni Bajade na nawawala ang biktima.

Pinaniniwalaang nalunod ang biktima matapos na tumawid sa isang overflow sa Brgy. Agutayan, bayan ng San Enrique, Iloilo, ayon sa mga awtoridad.

Nakita sa overflow ang motorsiklo ng biktima at ang cellphone nito.

Nakatakdang isailalim sa autopsy ang biktima para matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA BALITA

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.