PatrolPH

Sitio, barangay lockdown muling ipatutupad sa Cebu City

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2021 03:54 PM

Watch more on iWantTFC

Muling magpapatupad ng mga lockdown sa mga sitio at barangay sa Cebu City sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon kay acting Mayor Michael Rama, tatawagin ang bagong patakaran na Oplan "Puyo" 8-15-31, na inihalintulad sa household lockdowns kung saan aatasan ang mga magulang at guardian na higpitan ang pagbabantay sa mga menor de edad.

Kung kakailanganin din umano, magpapatupad ng barangay lockdown, o lockdown kada sitio.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na may ayuda para sa mga apektado ng mga paghihigpit.

Nitong Linggo, nakapagtala ang Cebu City ng 319 bagong kaso ng COVID-19 para sa kabuuang 4,090 active cases.

Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang lungsod hanggang katapusan ng Agosto.

— Ulat ni Annie Perez

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.