PatrolPH

7 arestado sa umano’y drug den sa Marikina

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2021 08:51 AM

MAYNILA - Arestado ang 7 katao sa ikinasang raid sa hinihinalang drug den sa Marikina.

Nakatanggap ang mga awtoridad ng tip na ginagawang bentahan at gamitan ng ilegal na droga ang isang bahay sa Barangay Nangka.

Target ng operasyon si alyas Mac-Mac, 37, at kasama sa drugs watchlist ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Inabutan pa sa bahay ang 6 na hinihinalang mga parokyano ni Mac-Mac. Lumabas sa imbestigasyon na pare-pareho silang taga-Marikina. Ang ilan sa kanila ay natukoy na construction worker, online seller, contractor, at supervisor pa.

Nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek at aabot ang halaga nito sa P136,000.

Nasa kustodiya ng PDEA-Metro Manila ang 7 nahuli at haharapin nila ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.