PatrolPH

Higit 40 libo, nadagdag sa mga gumaling sa COVID-19: DOH

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2020 06:00 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Record high ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease (COVID-19) na iniulat ngayong Linggo ng Department of Health dahil sa Oplan Recovery.

Nasa 40,397 ang dagdag na gumaling sa COVID-19 sa bansa kaya umabot sa 112,586 ang kabuuang bilang ng recoveries.

Ang Oplan Recovery ay ang pag-update at pag-check ng mga datos sa lokal at national level, kung saan ang mga dating asymptomatic at mild cases ay itinuturing nang recovered kapag natapos ang 14 na araw ng quarantine.

Samantala, may dagdag na 3,420 bagong kumpirmadog kaso kaya umabot na sa 161,253 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Dahil sa dami ng naka-recover, 46,002 na lang ang active case o hindi pa gumagaling sa sakit.

Umakyat naman sa 2,665 ang death toll matapos magtala ang DOH ng 65 bagong pagkamatay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.