Underpass sa Tondo, binaha sa pag-apaw ng estero

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 11:55 AM

Maitim, mabaho at may kasamang basura ang baha na dulot ng pag-apaw ng Estero de Vitas sa Tondo. Michael Delizo, ABS-CBN News

MAYNILA – Nagdulot ng pagbaha sa underpass sa Road 10 sa Vitas, Tondo ang pag-apaw ng Estero de Vitas dahil sa high tide, Biyernes ng umaga.

Maitim, may dalang basura at mabaho ang tubig na umapaw sa daan na umabot na rin sa ilang mga bahay.

Ayon sa Pagasa, nagkaroon ng high tide sa Manila Bay bandang alas-10 ng umaga na umabot sa 1.23 meters.

Konektado ang Estero de Vitas sa Manila Bay.

Samantala, sa bahagi ng Road 10 Bridge sa Vitas ay tambak naman ang mga basura.

Tanghali na pero hindi pa nahahakot ang mga basura sa kalsada na patuloy ding tinatambakan ng mga residente.

Wala namang galawan ng mga sasakyan sa Road 10, pa northbound o papunta ng C-3 dahil sa dami ng mga truck.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.