Barangay hall sa QC, nakatakdang gibain

Jeck Battalones, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 10:29 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nakatakdang gibain ang isang barangay hall na may 20-taon nang nakatirik sa sidewalk sa Quezon City.

Ito'y alinsunod sa deadline na ibinigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng road clearing operations sa kanilang mga lugar.

Umapela ang mga opisyal ng Barangay Damayan Lagi sa nakaambang demolisyon ng kanilang tanggapan dahil wala pang malinaw na paglilipatan ng kanilang opisina.

Ang ibinigay sa kanilang pansamantalang opisina ay dalawang container van na nakapwesto sa isang bakanteng lote sa may E. Rodriguez, may ilang layo lamang sa kanilang barangay hall.

Pero dahil wala pa itong kuryente, patuloy na magbibigay ng serbisyo sa komunidad ang barangay sa ilalim muna ng mga itinayong mga tents.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.