MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Kamaynilaan sa weekend.
Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Agosto 16 at magtatagal ito hanggang alas-5 ng madaling araw ng Agosto 19 (Lunes).
Narito ang mga apektadong kalsada:
SOUTHBOUND
• EDSA kaharap ng Sojen at kaharap ng Chevrolet (ika-5 lane mula sa bangketa)
• EDSA mula sa Magallanes hanggang Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes – Alabang Bus Stop (outer lane)
• EDSA Eugenio Lopez hanggang Sct. Borromeo
• Katipunan Ave. mula sa bukana ng Boni Serrano Tunnel (truck lane)
• Quezon City sa may EDSA Southbound sa pagitan ng West Avenue at Philam Village
EASTBOUND:
• Quirino Highway Theresa Heights at bago mag-Belfast (inner lane)
• Elliptical Road bago mag-Commonwealth Ave. (ika-7 lane mula sa outer sidewalk)
WESTBOUND
• General Luis bago mag-Oriental Tin
NORTHBOUND:
• EDSA bago mag-New York St. (unang lane mula sa bangketa)
• C-5 Road C.P Garcia approach hanggang Kalayaan Ave. Ext.
Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalye at dumaan sa mga alternatibong ruta.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, balita, road reblocking, road repair, roadwork, DPWH, Metropolitan Manila Development Authority, MMDA, MMDA Advisory, kalsada, Magallanes, Alabang, Eugenio Lopez, EDSA, Quezon City