PatrolPH

4 Chinese na nagpakilalang 'embassy fixer' timbog sa panloloko sa kababayan

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 06:45 PM | Updated as of Aug 16 2019 07:58 PM

Watch more on iWantTFC

Arestado sa entrapment operation noong Huwebes ang 4 Chinese dahil sa umano'y pangingikil at pananakot sa kapwa nila Tsino sa Makati City. 

Ayon sa biktimang si Wang Jiangwen, nagpatulong siya sa mga suspek para maasikaso sana ang kaniyang travel documents.

Nawala daw kasi ang kaniyang pasaporte kaya hindi siya makauwi sa China. 

Nagpakilala raw bilang mga "fixer" sa Chinese Embassy ang mga suspek na sina Xhou Jur Feng, Leng Shung, Zhang Xu, at Liyu Han.

Tinakot at hiningan daw ng mga suspek si Wang ng P15,000 pero hindi pumayag ang biktima at doon na ito nagpasaklolo sa mga pulis. 

Sa presinto, itinanggi ng 4 na scammers sila. 

Sinampahan na ng reklamong robbery-extortion ang 4 Chinese na inaresto.

Kulong muna ang mga suspek sa Makati City Police Custodial Center habang inaasikaso pa ang kanilang deportation. 

—Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.