PatrolPH

150 mga bahay nilamon ng apoy sa Davao City

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2019 07:50 PM

150 mga bahay nilamon ng apoy sa Davao City 1
Inaapula ng isa sa mga bomberong rumesponde sa sunog ang naglalagablab na apoy na tumupok sa nasa 150 mga bahay sa Davao City. Andoreena Causon, ABS-CBN News


DAVAO CITY – Tinatayang 150 na mga bahay ang nasunog sa Purok 2 at 3, Isla Verde, Barangay 23-C dito sa siyudad, Biyernes ng umaga.

Nagkaniya-kaniyang bitbit ng mga maisasalbang gamit ang mga residente habang nahirapan naman ang mga bombero sa pag-apula ng apoy dahil sa makipot na daan papasok sa lugar.

Gamit ang balde, tulong-tulong sa pagbuhos ng tubig ang mga residente upang maapula ang sunog. Ang iba umakyat pa sa bubong ng bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, mahigit 150 na bahay ang nasunog at tinatayang aabot sa P2.6 milyon ang danyos dahil dito. 

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad para mabatid kung ano ang naging sanhi ng sunog. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.