2 Uber driver, huli matapos lumabag sa suspensyon

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 09:02 PM

Huli ang dalawang Uber driver matapos bumiyahe sa kabila ng suspensiyon.

Huli ang dalawang Uber driver nitong Martes matapos bumiyahe sa kabila ng suspensiyon na ipinataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Naaktuhan ng LTFRB Central Visayas ang patuloy na pagbiyahe nina Dennis Juanite at Brian Estillore gamit ang Uber app.

Nangyari ito nang magbalik operasyon ang cellphone app, matapos mag-file ng motion for reconsideration ang Uber sa LTFRB. 

Pero itinigil muli ng Uber ang app matapos ibasura ng transport regulator ang apela nito.

Ang penalty sa paglabag sa suspension order ay multa na P120,000 at impounding ng tatlong buwan.