PatrolPH

Sapul sa CCTV: Pagyanig sa Magsaysay, Davao del Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2022 11:00 PM

Watch more News on iWantTFC
Mula kay Windie Rico Constantino

Kita sa CCTV ng isang bahay ang lakas ng magnitude 5.5 na lindol sa bayan ng Magsaysay, Davao del Sur, Lunes ng hapon.

Makikita sa CCTV ni Windie Rico Constantino ang malakas na paggalaw ng mga bagay at ang pagtakbo ng kaniyang anak palabas ng tirahan nila sa Barangay Poblacion.

"Tumakbo kami palabas ng bahay at papalayo baka gumuho ang istruktura at lumakas pa ang lindol," kwento ni Constantino sa ABS-CBN News.

Natakot si Constantino lalo't isa ang kanyang bahay sa mga nagtamo ng pinsala noong malalakas na lindol sa bayan ng Magsaysay noong 2019.

"Malakas talaga ang lindol. Natakot kami at baka matulad dati na sobrang lakas ng lindol."

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol 12 kilometro sa timog kanluran ng Magsaysay dakong alas 4:23 ng hapon. May lalim na 24 kilometro ito, ayon sa ahensiya.—Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.