PatrolPH

Mga katutubong Mangyan takot magpabakuna kontra COVID-19

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2021 03:04 PM | Updated as of Aug 15 2021 03:43 PM

Marami sa mga katutubong Iraya Mangyan sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro ang takot magpabakuna kontra COVID-19, sabi ngayong Linggo ng municipal health officer.

Ayon kay Dr. Ruth Ramos, isa sa mga hamon sa lokal na pamahalaan ng Paluan ang pagkumbinsi sa mga katutubo na magpaturok laban sa sakit.

Takot daw kasi ang mga katutubo dahil sa mga negatibong impormasyong naririnig sa bakuna.

"Malaking challenge para sa Paluan [Rural Health Unit] na mabakunahan ang ating mga katutubong Mangyan, na isa sa vulnerable group na kinakailangan mabakunahan... lalo't higit po nasa malalayong lugar sa kanila, wala silang access sa mga health facility," paliwanag ni Ramos.

Umapela si Ramos sa lokal na pamahalaan na ang single dose na Janssen vaccine ang maiturok sa mga katutubo para hindi na sila mahirapang mangumbinsi pa para sa second dose.

Pero may ilang mga Mangyan na fully vaccinated na, tulad ni Henry Alindugan.

Hinikayat ni Alindugan ang mga kapuwa Mangyan na magpabakuna na rin.

"Para ligtas sa sakit... wala naman ako naramdaman na sakit, maganda ang aking pakiramdam," aniya.

Sa tala ng Paluan Rural Health Unit, 43 na katutubong Mangyan pa lang ang nagpapabakuna. 

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.