P13.6 milyong halaga ng shabu, narekober sa naarestong suspek

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 11:06 AM

MAYNILA - Nasamsam ang P13.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa suspek na naaresto sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa San Pedro, Laguna, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang suspek sa alyas na "Haron," 50 anyos, isang driver at residente ng Lower Bicutan.

Nakipagkita ang suspek sa police na nagpanggap na bibili sa Block 1 Harmony Village, Jupiter Street, San Vicente, San Pedro, Laguna.

Dumating ang suspek sakay ng isang itim na SUV. Sa kalsada na ginawa ang transaksyon. Matapos maiabot ang pera at droga, agad na hinuli ang suspek.

Nakuha mula sa suspek ang 20 piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu na nakapaloob sa dalawang pack ng tsaa.

Tinatayang nay timbang na dalawang kilo ang nakuhang droga.