PatrolPH

Dinumog na mall sale sa CDO ipinatigil; physical distancing di pinatupad

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 08:25 PM | Updated as of Aug 16 2020 05:58 PM

Dinumog na mall sale sa CDO ipinatigil; physical distancing di pinatupad 1
Mga customer dinumog ang isang sale sa isang mall sa Cagayan de Oro. Kuha ni Cheeza Latican

CAGAYAN DE ORO - Dinumog ng mga mamimili ang isang mall sa lungsod na ito Sabado ng umaga matapos malamang may malakihang sale ng sapatos ang isang tindahan.

Sa kuha ni Cheeza Latican makikita na nagtakbuhan ang mga tao papunta sa tindahan pagbukas pa lang ng mall.

Watch more on iWantTFC

Mapapansing hindi na naipatupad ang physical distancing.

Dahil dito pinahinto ng Regulatory Compliance Board ng LGU Cagayan de Oro ang naturang sale.

"The store manager committed to cancel the sale until clear preventive protocols are put in place," sabi ni Atty. Jose Edgardo Uy, Chairperson ng Regulatory Compliance Board, sa isang pahayag.

 

Siniguro naman ng Limketkai Mall na kaisa sila ng gobyerno sa kampanya laban sa paglaganap ng COVID-19.

"Due to the unexpected number of shoppers of the warehouse clearance sale, some safety health protocols were not observed. Please be advised that our management has temporarily stopped the said activity at the Atrium ,which was thereafter seconded and approved by the city government," ang sabi ng pamunuan ng mall sa isang pahayag.

Naunawaan naman ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno ang nangyari sa sale pero dapat daw hindi kinalimutan ang safety protocols.

Kasalukuyang nasa Modified General Community Quarantine ang Cagayan de Oro kung saan nagbukas na ang karamihan sa mga negosyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.