PatrolPH

Bacolod, Negros Occidental nagtala ng 40 bagong kaso ng COVID-19

Mitch Lipa, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 02:52 AM

Nasa 27 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Negros Occidental habang 13 na bagong pasyente ng naturang sakit ang naitala sa Bacolod City, batay sa pinakahuling bulletin na pinalabas ng DOH-Western Visayas nitong Biyernes.

Ayon kay Charina Magallanes, spokesperson ng Provincial Incident Management Team, nasa 20 na ng mga empleyado ng Negros Occidental provincial government ang nagpositibo sa coronavirus.

Ang pinakahuling naitalang pasyente ay ang isang empleyado ng provincial tourism office.

Sa Bacolod City, lumubo pa ang nag positive sa Barangay 18. Kasama sa 13 na bagong cases sa lungsod ay ang 2-anyos ng isang lalaking nurse na unang nagpositive sa naturang barangay, na meron nang 9 na naitalang inpeksiyon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.