TINGNAN: Gender-sensitive restroom sa opisina ng PNP

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 12:54 PM

Gender-sensitive restroom sa PNP-Human Rights Affairs Office sa Camp Crame, Quezon City. Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

MAYNILA - Nagtayo ng gender-sensitive restroom ang Human Rights Affairs Office ng Philippine National Police sa Camp Crame nang i-renovate ito nitong taon.

Ayon kay PNP-HRAO chief Brig. Gen. Dennis Siervo, mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong uri ng palikuran upang maiwasan ang diskriminasyon at hindi mailang ang LGBTQ community sa pampublikong palikuran. 

Tatlong uri ang cr sa kanilang opisina: isang panlalake, isang pambabae, at isang para sa lahat ng uri ng kasarian. 

Hinihimok ni Siervo ang pribadong sektor at lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magtayo o magtalaga rin ng gender-sensitive comfort rooms.

Nitong Martes, pinagbawalan ng isang empleyado ng mall sa Quezon City ang isang transwoman na gumamit ng pambabaeng banyo.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.