Buntis na drug pusher, kasabwat timbog sa buy-bust sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 12:10 PM

MAYNILA — Timbog nitong Huwebes ang 2 umanong tulak ng ilegal na droga at 3 nitong parokyano sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo.

Kinilala ang main target na si alyas "Girlie," na 3 buwan na palang nagdadalang-tao habang huli rin ang tumatayong drug runner niya na si alyas "Matthew."

Nahuli ang 2 sa kanilang barong-barong sa Parola compound at naaktuhan din doon ang 3 nilang parokyano na bumibili ng droga. 

Ayon sa ulat ng Binondo police, P500 halaga ng shabu ang binili ng poseur buyer mula kay Girlie kaya ito nahuli. 

Hindi naman itinanggi ng mga suspek ang mga paratang sa kanila.

Narekober sa 5 ang 20 sachet ng hinihinalang shabu.

Nakatakdang sampahan ang 5 drug suspects ng mga reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.