2 gun peddler patay sa engkuwentro sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 03:13 PM

Patay sa engkuwentro noong Miyerkoles ang 2 lalaking umano ay ilegal na nagbebenta ng mga baril sa San Fernando, Pampanga.

Ikinasa ang entrapment operation laban sa 2 bandang 8:40 ng gabi sa isang hotel sa Barangay San Juan, ayon sa pulisya.

Nauwi ang operasyon sa barilan matapos umanong makaramdam ang mga suspek na pulis ang kanilang mga katransaksiyon.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkuwentro ang 2 kalibre .45 pistol na may ammunition, isang kalibre .22 revolver, 5 sachet ng hinihinalang shabu, weighing scale, at aluminum foil.

Dati umanong lider ng drug syndicate ang isa sa mga napatay na suspek at nahuli na rin noong nakaraang taon sa Quezon City.


-- Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.