PatrolPH

2 CAFGU, patay sa pagsalakay ng NPA sa Abra

Micaella Ilao, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 02:32 PM

Patay ang 2 kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang makaenkuwentro ang mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army sa Sallapadan, Abra, Huwebes ng umaga.

Nakilala ang mga biktima na sina Dandy Wacguisan at Gordon Gallao.

Ayon sa inisyal na report, sinalakay ng mga rebelde ang kanilang detachment sa Barangay Maguyepyep.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang sagupaan ng magkabilang panig.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.