Bookstore sa GenSan, nilooban

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2018 04:45 AM

Contributed photo

GENERAL SANTOS CITY - Nilooban ang isang bookstore sa Pioneer Ave., General Santos City nitong Lunes.

Tinangay ng kawatan ang higit P150,000 na nakatago sa vault. Nilimas din pati ang mga barya.

Pangatlong beses na itong nangyari sa establisimyento, ayon sa namamahala sa bookstore.

Kuwento ng isang empleyado, nakabukas na ang kaha ng cashier nang buksan niya ang bookstore. Sira na rin ang vault.

Posibleng sa bintana sa ikalawang palapag dumaan ang kawatan dahil sa nakitang bakas ng sapatos. Pinaniniwalaan na madaling-araw ito nangyari.

Pinakialaman din ng kawatan ang CCTV at pinutol ang kable nito.

Ayon sa pulisya, may person of interest na sila. May dati raw silang nahuling kawatan na nakalaya na at bumalik sa dating gawi. - Francis Canlas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.