Tindero ng buko, patay sa pamamaril sa Isabela

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 04:06 AM | Updated as of Aug 16 2017 07:14 AM

Pinagbabaril sa mismong tindahan ang isang negosyante sa Isabela, Lunes ng umaga. Danielle Rebollos, ABS-CBN News

ILAGAN CITY - Isang negosyante ang pinagbabaril sa kanyang mismong tindahan sa Barangay Baligatan, Ilagan City, Isabela nitong Lunes.

Natunghayan umano ng misis ni Joey Molicara, 39, ang pangyayari.

Lumabas sa imbestigasyon na abala si Molicara sa pag-aayos ng kanilang tindang buko at niyog nang bigla na lamang sumulpot ang isang motorsiklo. 

Bumaba ang gunman at malapitang pinagbabaril si Molicara.

Ayon sa pulisya, dating sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima at isa ito ngayon sa iniimbestigahan nilang motibo sa pamamaril. 

Hindi rin umano isinasantabi ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo at umano'y problema sa pamilya.

Hustisya ang hiling ng pamilya para sa kanilang nasawing mahal sa buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.