Selos na nauwi sa barilan: 2 sugatan sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2017 08:27 AM

MANILA - Sugatan ang 2 teenager matapos masangkot sa away-magkasintahan at pagbabarilin sa Marconi San Isidro, Makati nitong Martes.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Jayson Azarraga, 19, at isang menor de edad.
 
Kuwento ng saksi, pinagselosan ni Azarraga ang isang Angel Lagarto na nakita nitong kasama ng kanyang kasintahan.

Sinapak umano ni Azarraga si Lagarto kaya nagtawag ito ng resbak mula sa 2 hindi pa nakikilalang lalaki.

Dito na pinagbabaril ng grupo ni Lagarto ang mga biktima.

Nagtamo ng sugat si Azarraga sa tagiliran habang sa braso naman nasugatan ang kasama niya. Nasa ligtas na sila na kalagayan at nagpapagaling sa isang ospital sa Pasay.

Wala namang CCTV camera na makatutulong sana sa imbestigasyon sa insidente, ani PO2 John Garcia. -- Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.