Isa patay nang malunod sa Ilocos Sur

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2016 06:42 PM

Naiahon ang bangkay ni Jayson Paet matapos ang tatlong oras na retrieval operation. Kuha ng PDRRMC - Ilocos Sur

ILOCOS SUR - Patay matapos malunod si Jayson Paet, 29, sa Abra River sa bahagi ng Brgy. Banaong, Bantay, Ilocos Sur Linggo ng hapon.

Nakikipag-inuman umano ang biktima at mga kasama bago nagtungo sa ilog upang maligo.

Nakita na lamang umano ng mga kasamahan ni Paet na tila nalulunod siya at humihingi ng tulong. Pinilit nilang isalba ang biktima, ngunit tinangay na ito ng agos.

Nagsagawa ng retrieval operation ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) –Ilocos Sur kasama ang pulisya ng Bantay at mga karatig bayan.

Umabot ng higit sa tatlong oras ang operasyon bago nila nakita ang bangkay ni Paet.

“Umabot ng three hours for the cadaver to be retrieved.. Kung hindi joint yung operation, mahihirapan kami, hihintayin na lamang namin na within 24 hours para lumutang ang bangkay,” Michael Chan, PRDDMO, Ilocos Sur

Ayon sa PDRRMC, hindi kabilang si Paet na casualty ng habagat dahil nakainom ang biktima nang mangyari ito.