30 pakete ng marijuana, narekober ng pulisya

Danielle Rebollos, ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2016 07:04 PM

Natagpuan ng pulisya ang tatlumpung pakete ng marijuana leaves sa isang pribadong subdibisyon sa Barangay Marabulig, Cauayan City. Kuha ni Danielle Rebollos, ABS-CBN News

CAUAYAN CITY, ISABELA -- Pake-pakete ng hinihinalang dried marijuana leaves ang natagpuan ng pulisya sa San Lorenzo Subdivision sa Barangay Marabulig, Cauayan City bandang alas-dose ng madaling araw noong Biyernes.

Natagpuan din ang sampung stick ng hinihinalang dried marijuana leaves na ‘di umano’y ginamit sa pot session na inireport ng isang concerned citizen.

Ayon sa pulisya, posible umanong ibebenta ng mga ito ang narekober na tatlumpung pakete ng marijuana leaves.

Bigo naman ang pulisya na mahuli ang ‘di umano’y nagmamay-ari ng marijuana leaves na kanilang nasamsam.