PatrolPH

Vog mula Taal Volcano, umabot sa Oriental Mindoro

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 11:39 AM | Updated as of Aug 14 2022 12:07 PM

Bulkang Taal noong Marso 30, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Bulkang Taal noong Marso 30, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

Umabot na sa Oriental Mindoro ang vog o volcanic smog dulot ng pagbuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Biyernes, umabot sa 13,572 tonelada ng sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan, na sanhi ng smog.

Sa bayan ng Pola, pinayuhan ni Mayor Jennifer Cruz ang mga kababayan na ugaliing magsuot ng face mask para maiwasan ang mga sakit dulot ng vog.

Watch more News on iWantTFC

Maliban sa Pola, umabot din sa Puerto Galera at iba pang bayan ng probinsiya ang vog.

Ang Oriental Mindoro ay may layong 100 kilometro sa silangan ng bulkan. Ayon sa Phivolcs, nakarating sa probinsiya ang vog dahil sa hangin.

— Ulat ni Noel Alamar

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.