PatrolPH

P19.6 milyong halaga ng 'shabu' nasamsam sa mga operasyon sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Aug 14 2022 01:35 PM

Retrato mula sa Central Visayas police
Retrato mula sa Central Visayas police

Umabot sa higit P19.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na operasyon ngayong weekend sa Cebu.

Gabi ng Sabado, naaresto ang isang dating waiter sa Barangay Luz, Cebu City, kung saan nakuha sa kaniya ang higit P1 milyong halaga ng ilegal na droga.

Sa Barangay Guadalupe, nakuha sa buy-bust operation ang P748,000 halaga ng droga sa isang lalaki kinilalang alyas "Bayogyog."

Sa Toledo City, isang 35 anyos na lalaki ang nakuhanan ng higit 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P7.4 milyon sa isang buy-bust operation sa Barangay Das.

Sa Mandaue City, timbog din nitong Sabado ang isang 18 anyos na umano'y high-value individual sa Barangay Cabancalan.

Nasa P10.2 milyon ang halaga ng nakumpiskang droga sa suspek, na matagal na umanong minamanmanan ng mg awtoridad.

Sa Barangay Tipolo, isang senior citizen naman ang nakumpiskahan ng P340,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Central Visayas police director Roque Vega, paiigtingin pa ng mga awtoridad ang pagsugpo sa ilegal na droga sa Cebu.

— Ulat ni Annie Perez

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.